Sunday, October 16, 2005

ANG TSINA




ANG TSINA

Ang Tsina ay isang malaking bayan sa silangabg Asya na may lumang kabihasnang umunlad nang halos walang impluwensya ng dayuhan. Ito ay sapagkat ang Tsina ay napaliligiran ng mga heograpikal na harang. Nahihiwalay ito sa India dahil sa timog-kanluran ng bulubunduking Himalayas kung saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Bundok Everest. Sa silangan naman ay Dagat Tsina kung saan naroon ang mga arkipelago ng Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas at Indonesia. Sa hilaga at kanluran naman nito ay matatagpuan ang isang malawak at ubod ng lamig na disyerto na walang mapagtamnan.



ANG DINASTIYANG SHANG


Bagana’t malaki ang pag0-unlad sa panahon ng Hsia, ito ay nabuwag bandang 1760 BK ni T’Ang, isang hepe ng tribong galling sa hilaga ng Ilog Yangtze. Itinatag ni T’Ang ang Dinastiyang Shang na nagpatuloy hanggang 1125 BK. Inorganisa ni T’Ang ang Tsina ayon sa sistemang pyudal kung saan ang malalawak na lupain ay hinati at ipinangasiwa sa kanyang mga tapat na tagasunod kapalit ng obligasyong maglingkod sa kanya sa iba’t ibang paraan tulad ng pagsama sa digmaan. Hinati-hati naman ng mga ito ang lupain at pinatamnan sa mga pesante. Ang mga pesante ay tumanaw ng malaking utang na loob at nagpakita ng katapatan sa kanilang amo na siyang nagkaloob sa kanila ng ng kabuhayan. Ang pyudal na sistema ng Shang ay nagbunga ng mahigpit na dibisyon sa uri. Ang pinakamtaas na uri ay binubuo ng mga maharlika at ng mga humahawak ng mataas na tungkulin sa hukbo. Ang ikalawang uri ay binubuo ng mga opisyal na naglilingkod sa emperador at tumutulong sa pagpapatakbo ng imperyo. Ang ikatlo ay binubuo ng mga negosyante, artisano at magbubukid, samantalang ang pinakamababang uri ay binubuo ng alipin na kadalasa’y mga bihag sa digmaan. Napakalaki ng agwat ng antas ng kabuhayan ng mga uri. Habang ang mga mayaman ay nakatira sa magagarang pagoda , maraming mahihirap ang nabibuhay sa mga hukay na lupa na nabububungan lamang ng banig. Upang mapanatili ang itinayo niyang sistema, iniutos ni T’Ang na nag kanyang mga anak ang dapat pumalit sa kanya sa kanyang pagkamatay. Sa ganitong paraan niya tinitiyak ang linya ng mga eredero sa trono.

Naitayo ang unang mga lungsod kasabay ng pag-unalad ng ilang uri sa lipunan. Nagtayo ang mga haring Shang ng magagarang sentrong lungsod sa Tsina. Una sa mga ito ang ;ungsod ng Shang na nagging sentro ng Tsina sa loob ng mahigit sa isang daang taon. Bandang 1400 BK, itinatag ang bagong sentro sa Anyang sa pampang ng Hwang-Ho.


ANG DINASTIYANG CHOU

Bndang 1125 BK, gumuho ang Dinastiyang Shang sa higit na malakas na mga Chou na galling sa timog-kanluran at nanatili sa poder hanggang 221 BK. Ipinagpatuloy ng mga Chou ang kabihasnang inilatag ng mga Hsia at Shang at pinalawak nila ang lupaing Tsina hanggang sa Ilog Yangtze sa silangan. Sapagkat lagi silang sinasalakay ng mga tribong dayuhan, inilipat nila ang sentro ng kaharian sa Chengchow, malapit sa Loyang sa silangan. Doon nakasentro ang kabihasnang Tsino ng ilang dantaon.

Sapagkat masyado nang malawak ang sakop ng Tsina, kinakailangang hatiin ang lupain sa ilang rehiyong may sariling mga adminitrador na sa kalauna’y nag-away-away. Dagdag pa, pinatawan ng mga administrador ang mga tao ng mabibigat na buwis at pinerhuwisyo sila ng iba’t ibang maliliit na regulasyon. Samantala, ang mga panginoong maylupa ay nagging sakim at malupit sa mga pesante hanggang sa ilang pagkakatao’y nagkaisa ang huli para patayin ang mga pinakaabusado sa una.

Sa panahon ng Chou lumitaw ang isang baong grupo sa lipunan, ang mga iskolar-pantas. Sila ang mga guro, imbentor at tagapangalaga ng mga kasulatan. Naging malaki ang impluwensya ng mga iskolar-pantas sa buong Tsina sapagkat sila ay naglakbay sa kanilang pagtuturo at pagtatalakay sa mga usaping panlipunan. Ang pinakatanyag sa mga iskolar-pantas na ito ay si Kung Fu-Tze o Confucius (551-479 BK). Sa kanyang pagkamatay ang kanyang mga kasabihan ay tinipon ng kanyang mga dispulo sa isang aklat na nagsisilbing gabay sa pagtatalakay sa mga usaping panlipunan na sinundan ng maraming iskolar-panta. Simple lamang ang kanyang mensahe: mabuhay nang marangal at maayos ayon sa gabay ng estado, pamilya at wastong pag-iisip. Ang pagtataguyod ng kaisipan ni Kung Fu-Tze sa estado at sa pyudal na kaayusan ng lipunan ay nakatulong sa pagpapanatili sa paghahari ng Dinastiyang Chou sa kabila ng pang-aabuso ng mga administrador at papapahirap ng mga pesante.

Halos kasabay ni Confucianismo lumitaw ang pilosopiya ng Taoismo na ang mga tradisyunal na tagapagtatag ay sina Lao-tzu (c. 575-485 BK) at Chuang-chou (364-286 BK). Para sa mga Taoista, tungkulin ng mga tao na pag-aralan ang daloy n(ang literal na kahulugan ng tao ay “daan” o “landas”) ng kalikasan at iayon ang lahat ng kanyang pagkilos dito. Dadag pa, naniniwala ang mga Taoista na ang mahihigpit na batas sa disiplina, maging personal o panlipunan, ay nagpapabansot sa tunay na pagkatao. Ditto nakasalungat ng pilosopiyang ito ang Confucianismo. Sa kalaunan, nagkaroon ng mistikal na aspeto ang Taoismo at marami sa mga tagasunod nito ang tumalikod sa mundo at nagtungo sa kabundukan upang “sundin ang tao”. Naniniwala ang mga ito na ang pagsunod sa tao at pagsasagawa sa mga ritwal at mahika ay magdudulot ng imortalidad.

ANG DINASTIYANG CH’IN


Nagpatuloy ang pag-aaway-away ng mga rehiyon sa ilalim ng Chou hanggang sa bandang 220 BK nang lumitaw ang isang makapangyarihang hepe, si Shih HuangTi, mula sa bulubunduking kanluran. Upang maibalik ang pagkakaisa ng mga nag-aaway-away na rehiyon, nagtatag siya ng malakas na sentrilisadong pamahalaan. Iniutos niya ang istandardisasyon ng wika at sistema ng pagsusulat upang maintindihan ng lahat ang mga regulasyong galling sa sentro. Ipinatupad din niya ang istandardisasyon ng batas upang iisa na lamang ang sundin sa buong bansa. Tungo rito, gumawa si Shih Huang-Ti ng isang kapuna-punang hakbang. Noong 212 BK, iniutos niya ang pagsusunog sa mga nakasulat ng kasaysayan at batas ng iba’t ibang mga rehiyon; nasama sa mga librong sinunog ang mga kasulatan ni Kung Fu-Tze. Pinuksa niya ang malalakas na kapangyarihan ng mayayamang panginoong maylupa sa kanilang mga lupain na kanyang ipinamahagi sa mga mahihirap na pesante.

>GREAT WALL OF CHINA<
Upang harangin ang mga dayuhang mandarambong, iniutos ni Shih Huang-Ti ang pagdurugtong ng mga lumang pader at pagtatayo ng mga bago upang mabuo ang Pader ng Sampung Libong Li (ang li ay isang yunit ng sukat na katumbas ang sangkatlo ng isang milya) na kilala natin bilang “Mahabang Moog ng Tsina” (Great Wall of China). Ito ay may habang 1,500 milya at nakatayo pa rin hanggang sa kasalukuyan.